Monday, December 12, 2005

Coca-cola Funtastic Kiddie Christmas Party


Nag-attend ako ng Kiddie Christmas Party ng Coke nung December 10. First time ko makita si Santa Claus. Buti na lang nasa Coke na si Daddy at may Christmas party na pang-bata.



Sa The Palms lang naman ang party. First time ko rin makapunta dito. Sobrang ganda ang place. Pang rich! Hahahaha.

Masaya ang program. May magic show. Tapos games. Nakasali ako sa games at kahit talo ang team ko may prize pa rin. Ako mismo ang pumili ng umiilaw na yoyo ball.


May bubble show din. Pumasok nga ako sa loob ng bubble eh. Parang di na ako makakalabas. Pero mga ten seconds lang e pumutok na. Hahahaha.


May mga game booths din. After eating nagpunta na ako don at nag-play. Kahit di din masyado magaling may prize pa rin. Ang dami kong nakuhang toys talaga.


May mga gifts si Santa sa lahat ng kids. May footstool ako na Coke. Tapos nahulaan ni Santa na gusto ko rin ng bagong set ng Hotwheels kahit hindi ko sinulat yun. Masaya ako talaga that day. I will never forget. Thank you Papa God at pinapasok mo si Daddy sa Coca Cola Company.

Saturday, December 03, 2005


Takaw ko ba? Pero sa totoo I don't eat hamburgers and french fries. Iyan lang ang napili ko na frame sa camera ni Mommy ko.

Tuesday, November 29, 2005


Hi! I'm your newest superhero! Pogi ba? Hehehe....

Tuesday, August 16, 2005

My New Cousin

May bago na akong karibal sa lolo at lola ko. Ang pangalan niya ay Clyde Lawrence Tordecillas. Tordecillas din ako, kaya lang Flores na. Ang sabi ng lolo ko Prince 1 ako, si Clyde Prince 2. Kasi ako ang panganay na apo. Ako ang mas pogi at mas matanda.

Tuesday, June 21, 2005

First Day Funk

First day ko kahapon na maging Kinder 2. Sa Laguna Bel Air School ako nag-aaral. Pang morning na ako kasi gusto ng mommy ko matutulog ako pag hapon e. Ang class ko na ngayon ay Kinder 2 - Hope.

Ang mommy ko ang naghatid sa akin kahapon kasi promise niya yun e. Kinausap din kasi sila ng teacher ko. Ang teacher ko pala ay si Ms. Gomez. Yon ang tatawag namin sa kanya. Kasi nung Kinder 1 ako Teacher Jenny ang tawag namin sa teacher ko. Gusto ng teacher ko ngayon Miss ang tawag sa kanya e.

Marami akong old classmate na galing sa Kinder 1 - Peace. Nag morning na rin sila. Si Aura, Angelica Emille, Joseph, at Ariel. Tapos classmate ko na ang crush ko na si Michelle. Naunahan ko na si Luis kasi Kinder 1 lang siya e.

Maganda ang desk ko color yellow. Tapos itataas mo ang cover para malagay ang things mo sa loob. Tapos ang bag ko stroller bag na. Kasi uuwi na namin everyday ang books at notebooks namin. May lunch box din ako. Kasi dati ang bag ko parang pang toddler lang kasi Winnie The Pooh. Pero ngayon ang bag ko na bigay ng lola ko walang design, green lang. Pang boy kasi. Nanggaling na ang bag ko sa China pero ang bag ng mga classmate ko Philippines lang.

Kaya ganyan ang title ng post ko kasi nung pinaliliguan ako ng Mommy ko kahapon kumakanta ako ng let's do the funk, let's do the first day funk. Hahahaha.

Monday, June 06, 2005

Pwede... eto, kaya Mo? PEK Mo!

Kahapon birthday ng mommy ko. Kaya sabi ko sa kanya sana mag-Festival kami kasi ang tagal ko na hindi nakakalaro sa Pixie Forest. Tawag ko dun sa Funland ay PEK mo kasi parang challenge eh. May mga slide, tapos magja-jump ka sa talunan, tapos may bridge na hanging, tapos sasabit pa sa rope. Maganda doon. Nagpakabait ako para pumunta doon. Nag-opo ako lagi at nagsuot ng slippers sa loob ng bahay lagi.




Eto ang talunan na sinasabi ko. Pag nag-jump ka diyan mataas talaga. Pero nadapa ako ng one time kaya masakit medyo ang tuhod ko after nun.



Dito ang slide. Mataas yan. Dati nung 4 pa lang ako takot ako diyan pero 5 na ako kaya matapang na. Paikot yon kaya iikot ka pababa. Pero masaya naman. Si Daddy ang kasama ko sa PEK mo kasi nasa grocery si Mommy sa Save More. Kaya umakyat din ang Daddy ko sa slide na yan.

Dito ang paakyat papunta sa hanging bridge. Mahirap diyan pag hindi ka pa 5 years old kasi mataas na yan. Dati hindi ko kaya yung sasabit sa rope para maka-cross ka ng bridge pero madali na ngayon.

Dito naman ang swimming pool na puro balls. Masarap magtago sa ilalim ng mga balls at malambot pa. Kasama ko si Daddy Jun sa loob. Pwede ang adult na kasama basta may socks sila.

Kami ng daddy ko to. Hindi pa kami pagod. Parang nakahiga lang kasi nakataas yung cellphone niya dito.


Kunwari kaaway ko ang mga pillow na ito. Sinuntok ko sila. Kunyari boxer ako. Hahahaha.

Saturday, May 21, 2005

Birthday Ko Part 2

Ngayon ang birthday party ko at papakita ko ang mga pictures ko. Doon ako nag-birthday sa bahay ng lolo at lola ko sa Pasig kaya wala ang mga friends ko.


Konti lang ang handa ko pero lahat naman favorite ko. Lahat ng handa ang Mommy ko ang nagluto. Nung pumunta kami sa Megamall pumunta kami ng Toy Kingdom at bumili ng balloons, banner, at party hats. Ako ang pumili ng Buzz Lightyear. Ako si Buzz Lightyear kasi. Kumpleto ako ng DVDs ng Toy Story. Wala akong bisita na bata kaya ang nagparty hats ay si Mommy, si Tito Lucky, ako, at si Ninang. Ang cap na Zurg ay kay Tito Lucky kasi enemy yon e. Kontrabida yon.



Dumating ang Daddy ko galing China ng 8pm at nag-start na kami. Kumanta sila ng Happy Birthday at nag-blow ako. Ang wish ko ay sana magka- Buzz Lightyear na toy ako.




Ito ang Ninang ko. Siya ang Grimwitch. Makulit yan kahit big sister sya ng Mommy ko.

Ang gift sa akin ng Daddy ko ay Spongebob Squarepants na Plug and Play. Ok lang kahit hindi Buzz kasi maganda din ang video game. Madami akong nakain sa handa ko kasi favorite ko ang fried chicken at crispy pata.

Friday, May 20, 2005

Birthday Ko Part 1

May 20 talaga ang birthday ko. Kaya lang bukas pa darating ang Daddy ko kaya magsisimba na lang kami ng Mommy ko.

Pumunta kami ng Robinsons Galleria kasi di pa ako nakakasimba sa Edsa Shrine. Malaki ang Mama Mary doon. Nag-church kami doon ng Mommy ko at Tito Lucky ko. Tapos nung lumabas kami may Mama Mary na maraming flowers. Kukuha ka ng isa tapos yung nakalagay sa flower gagawin mo. Sabi ni Pope Benedict the 16th yun. Ang nakuha ko ay magbibigay daw ako ng tulong sa mahihirap. Ginagawa ko na yon kasi sa bahay namin may bote ako na pinupuno ko ng 25 cents lagi. Bote ng Pepsi yon. Malapit na mapuno. Tapos bibigay namin sa church para sa Pondo ng Pinoy. Sabi ni Father pangtulong yon sa mahihirap.

Tapos nag-Dreamscape na ako. Gift ng Mommy ko ang All Day Pass. Kaya lahat ng rides sinakyan ko talaga at maraming beses pa. Nag-shooting pa ang Going Bulilit kaya nakita ko silang lahat don. Kaya lang nahiya ako magpa-picture kay Enchang e.

Eto ang mga pictures ko don.





Masaya talaga ako nung araw na yon. Hinintay namin si Lola umuwi galing sa office niya kasi malapit din sa Galleria ang ADB. Tapos nag-grocery kami ng panghanda sa dinner para sa birthday ko. Gabi pa kasi darating ang Daddy ko.

Monday, May 16, 2005

Isang Araw Sa Megamall

Nagpunta kami ng Mommy ko at ni Tito Lucky sa office ni Lola. Ang lola ko sa Asian Development Bank nagwo-work. Pero sa January hindi na siya magwo-work kasi magre-retire na siya. Doon kami nag-lunch sa cafeteria nila. Sila nag-Mongolian Grill. Ako Japanese food ang order ko. Kasi ayoko ng ng Mongolian. Tawagin na lang natin na Breaded Beef yung kinain ko kasi nalimutan ko na yung Japanese name e. Tapos may Miso Soup. Basta yon. Tapos ang ininom ko ay Fruitas na orange flavor.

Ang ADB malapit lang sa Megamall. Katabi lang yon. Promise kasi ng Mommy ko magta-Time Zone kami kaya pumunta kami. Si Tito Lucky niloloko ako na di daw ako marunong. Akala niya lang yon!


Medyo napagod ako doon sa fire truck. Marami na rin kasi akong nalaro. Marami akong nakuhang tickets sa games. Tapos pinapalit namin ng radio. Kaya may iPod na rin ako. Kunyari lang. Kamuka lang. Para hindi ko na hihiramin ang iPod ni Mommy.

Sunday, May 15, 2005

World of Butterflies

Pumunta kami ng Mommy ko sa World of Butterflies sa Marikina. Kanina umalis na ang Daddy ko papuntang China. Babalik siya sa birthday ko. Sinamahan kami ng baby brothers ni Mommy, sila Tito Toto, Tito Lloyd, at Tito Aki. Kasama namin sa Tita Christy ang asawa ni Tito Lloyd. Magkaka-baby na sila. Pero ang sabi ng Lolo ko ako pa rin ang hari ng Pasig. Ang baby ni Tito Lloyd hari ng sablay. Pero pag girl pwede queen ng Pasig pag wala lang ako.




Nandito kami sa labas ng World of Butterflies. Si Tito Lucky ang naka-red. Hawak ako ni Tita Christy. Si Tito Lloyd ang naka-blue at katabi si Tito Toto. Tinakapan ko ang baby nila Tito Lloyd.



Kami naman ng Mommy ko ang nagpa-picture. Sayang wala ang Daddy ko pero gusto niya ring pumunta. Dapat kung nandito siya sa Museong Pambata kami pupunta. Kaya lang wala kaming car kasi hindi pwede mag-drive si Mommy kaya Marikina na lang kasi nag-jeep lang kami galing sa Pasig.



Si Flutterby ito, mascot ng World of Butterflies. Pero hindi talaga siya gumagalaw. Nakatayo lang siya tapos may stand sa likod. Buti natakpan ko. Para kaming nag-uusap. Sabi ng Mommy ko BF=ButterFly=Bayani Fernando. Hahaha. Yun ang iniisip ko dito kung tama yon.


Maraming butterflies na naka-frame dito pero mas marami ang lumilipad sa garden. May fountain din doon. Tapos umiikot kami sa garden. Hindi pwede hawakan ang butterfly at mababali ang pakpak at mamamatay. Tapos nanood kami ng life cycle of a butterfly sa parang sinehan nila.

Tapos nag-merienda kami sa Concepcion bago umuwi uli sa Greenwoods. Buti na lang masarap din pala ang chicken ng Greenwich kasi nag-pizza silang lahat. Ako hindi kumakain non.

Wednesday, May 11, 2005

What I Did This Summer

Ito ang ilan sa mga pictures ko noong mag-vacation kami sa Bora last April 27-29, 2005.



Nakatalikod kami ni Renz. Nakasakay na kami sa barko papuntang Caticlan. Nakilala ko si Renz kasi nasa Philtranco din sila nakasakay ng family niya papuntang Bora. Pero Station 3 sila. Pero nung pumunta kaming Crystal Cove nagkita pa rin kami.



Gumagawa sana ako ng sandcastle dito sa Boracay kaya lang ang hirap. Buti na lang sa tapat ito ng Jonah's. Nag-breakfast kami dito. Order ko Continental Breakfast kasi gusto ko scrambled eggs. Tapos nag-share kami ni Mommy sa Papaya-Mango shake.



Kasama ko dito si Ate Megan at Ate Cyris. Nasa Dumaguit kami. Si Ate Cyris anak ni Tita Weng na kapatid ng Daddy ni Ate Meg kaya mag-pinsan din sila. Maganda ang tricycle sa Aklan kasi parang jeep ang likod. Natulog kami sa bahay nila Tito Ariel. Tawag niya sa akin Goyong. Pulis siya kaya hindi ako pwedeng malikot. Tapos Saturday sumakay na kami ng barko pauwi ng Manila.

Bow!

Wednesday, April 20, 2005


Sa Chaps kami nagpapagupit ng Daddy ko. Si Rod ang favorite barbero namin. Dito sa picture mukha akong nakasimangot. Pero hindi naman ako malungkot. Serious lang. Sabi kasi ni Rod wag malikot at magugupit ang ears ko. Nung makita ni Tita Alma at Tito Mar na kalbo ako, nagpa-kalbo din si Luis. Si Luis ang friend ko na kapitbahay ko. Pareho na kaming kalbo. Tingin niyo po bagay ba?

Nagpakalbo kami ng Daddy ko last Saturday. Para daw summer look pag punta namin sa Bora sa April 26.

Saturday, April 16, 2005

Masakit mapalo ni Daddy.

Napagalitan ako ni Daddy ngayon. Dalawa ang kasalanan ko. Una, tinapon ko ang wafer ko. Masama kasi magtapon ng pagkain. Pangalawa, sinabi ko kay Mommy na naubos ko pero hindi naman. Kaya nagsinungaling ako.

Muntik na ako mapakain ng sili. Iyak ako ng iyak. Tinakpan ko ang mouth ko. Sabi ko kay Daddy hwag po. Buti na lang iba na lang ang pinagawa. Pinalo ako ng slipper niya sa pwet. Ang sakit! Tapos pina-face the wall ako hanggang 6 p.m.

Nung nakatayo ako sa may kitchen, di ako pwede gumalaw. Kahit pagod na ako ganon pa rin. Kahit makati ang legs ko, di pwede pa din. Ayaw mawala ng kati. Naiiyak pa din ako.

Ang natutunan ko kagabi ay wag magsinungaling at wag magtapon ng pagkain. Kaya hindi ko na uulitin. Nag-promise na ako sa kanila Mommy at Daddy.

Ok na kaming lahat pagkatapos. Bago mag-dinner nag scrabble muna sila Daddy at Mommy. Kaya ako nakanuod ng House of Mouse. Tapos nanood din kami ng Extra Challenge at Darna. Tapos dinner na. Pagkatapos mag-dinner umakyat na kami. Continue naming ang Darna sa TV sa bedroom. Nung 9 p.m. na, nag-toothbrush na kami. Hinugasan ko na ang paa ko. Tapos nag-massage ako kay Daddy habang natutulog siya.

Si Mommy nanood ng Simple Life at Arrested Development. Pero pag commercial sa Star World nililipat naming sa HBO kasi Looney Tunes The Movie ang palabas. Favorite ko din yun. Pagkatapos pinatay ko na ang TV pagkatapos ng Looney at natulog na ako. Sila Mommy at Daddy tulog na rin. Mas nauna pa natulog sa akin.

Thursday, April 14, 2005

Hello!

Sabi ng mommy ko, pwede na raw ako mag-blog. Pero sinusulat ko muna sa lumang notebook ko tapos siya na lang ang magta-type. Araw araw sana makasulat ako. Iku-kwento ko ang tungkol sa mga nangyayari sa akin at sa mga friends ko.