Saturday, November 10, 2007

I Almost Lost My Blog..........

Sa tagal na hindi ako nag-blog, nalimutan ko ang password ko. Nalaman ko yun ng nag-try ako kanina mag-log in. Hinanap namin sa e-mail, wala pa rin. Nung nag-click ako ng ''Forgot Your Password?'', binigay ko ang E-mail address ko, biglang ang hirap intindihin ng reply sa akin.
Pagdating sa google.com, nag-''Forgot Your Password?'' uli ako. ALLELUIA!!!!!!! Ang nakalagay ay "Reset Your Password". Iniba na ang nawawala!!!!!

Saturday, August 11, 2007

My Postponed Moment of Glory

Sad ako kahapon pa. Kid Scoud investiture sana namin kahapon at na-postpone to August 24. Kasi nag-bagyong Chedeng at Dodong nung Wednesday at Thursday kaya ayun di tuloy muna. Sayang, ako pa naman ang taga-light ng unang kandila. Sikat ako kasi 3 lang kaming Grade One na pinili. Sabi ni Mommy siguro honor student daw ako kasi almost 200 ang lahat ng Grade One ng Lourdes School of Mandaluyong. Hay, moment of glory, see you na lang on Aug. 24. Di bale lagi naman ako may moment of glory pero sa classroom nga lang. Kasi ako ang taga-sulat ng noisy sa board. Tapos sabi ni Teacher Aven pag may makulit pwede kong pagsabihan. Siguro nga Teacher's Pet ako ngayon.

Monday, May 21, 2007

I am Seven Years Old

Big boy na nga ako kasi nag-seven years old na ako kahapon. Ngayon lang uli naghanda ng marami si mommy at daddy. Kasi sinabay ang blessing ng aming new house. We are now living at Cainta. Maganda ang house namin, color green. At saka may sarili na akong bedroom.

Ang cake ko sa birthday ko ay Mr. Bean kasi kakapanood ko lang ng Mr. Bean's Holiday sa DVD. Nakakatawa talaga. Tapos nagpa-cater kami ng food. Tapos ang games lang for kids is pabitin kasi konti lang ang kids eh. Pero masaya naman. At maraming chicken popcorn! At mas maraming gifts! Oh, this is the life! Hehehe!


Me and my Mr. Bean birthday cake!

Jump to the top!