Sunday, May 28, 2006

The Best Toys


Promise ni Mommy na isasali niya ako sa Trumpets Playshop this year. Buti na lang at sa Makati na kami nakatira kaya malapit lang ang Shangri-la. Lagi kami sumasakay ng MRT papunta sa Shangri-la. Pag galing ka ng Magallanes station, bababa ka sa Shaw tapos nandun na ang entrance ng mall. 12 pesos ang pamasahe.

Ang class ko CTF ibig sabihin Children's Theater section F. Ang mga pictures na ito ay noong play namin. Ang title ng play namin ay The Best Toys. Mga toys kaming lahat dito except si Sean at Kitkat kasi sila ang boy and girl.

Robot ako dito. Marami kaming robots pero nung play namin ako ang nilagyan ng lapel mic. (Mi, tama po ba ang spelling?) Sabi ni Mommy malakas nga ang boses ko. Ang kwento nag-away kaming mga toys kung sino ang pinakamagaling magpasaya ng boy and girl. Pero lahat pala magaling.

May songs din kami. Lahat ng toys. Ang sa robots "We're the shiny robots and we think we're the best. We're big and strong and fearless and we're better than the rest." Tapos ang galaw namin parang robots. Tapos si Tito George ang book. Siya ang nagsabi na everybody is special. Tapos sasabihin namin sa lahat na "You're special!". Ganun. Binigay ang certificates namin pagkatapos ng play tapos kumain kami sa Bacolod Chicken Inasal sa Jupiter.

Saturday, May 20, 2006

I am six years old

Hindi kami masyado naghanda ngayong birthday ko. Kasi ang wish ko for my birthday is a new TV. Kasi nasira ang luma naming JVC pati ang Philips ni Mama (pero lola ko talaga). Bumili si Daddy ng LG 29 inch flat screen. Pag laki ko raw sa kwarto ko ilalagay yan.

Nagluto lang si Mommy ng mga favorite ko uli, fried chicken at fish. Pero nag luto din si Mommy ng Pancit Malabon, Menudo, at Lumpia. Tapos bumili kami ng Chocolate Mousse para may cake ako. Niloko ko si Mommy kasi takot siya sa mouse pero pag chocolate mousse pala iba yon. Akala ko gawa sa mouse e. Tapos nagsabit kami ng banner na Justice League. Tapos nag-blow kami ng balloons. Si Mommy nag twist ng mga balloons para sa lahat ng mga bata.

May visitors ako pero hindi masyado marami. Dumating sila Lolo, Ninang, Ninong, Tito Toto, Tito Lucky, Tito Lloyd, Tita Christy, Clyde, Tita Net, Tita Chi, Kuya John Paul, Justine, Ninang Attorney Mae, Tita Cher, Tita Claire and Klarenz.

Masaya ako today pero konting malungkot kasi malapit na akong mabungi kasi six years old na ako.