Sunday, December 14, 2008
Hard to Commute,Promise!
Lesson learned:Some taxi drivers here in the Phillipines always refuse.Maybe they do'nt want to earn money.Keeps me thinking.
Saturday, October 04, 2008
Wow,Galing!
Thursday, October 02, 2008
First Honor Na Naman!
Wednesday, October 01, 2008
Nakakatakot na Eye Infection
Nung Saturday may tumubo na kuliti sa mata ko. Ewan ko kung nakagat ng insect di naman makati. Nag-taekwondo pa nga ako eh. Eh kaso nung Sunday kasi gusto ko siya paliitin pinisil ko siya. Nagalit nga si Mami eh. Mamamaga daw. Ayun na nga nung Monday na maga na. Hindi ako pumasok sa school sabi rin kasi ni Mang Rudy (ang driver ng service namin) mata daw kaya dapat ipa-doktor agad. Buti walang pasok si Di.
Pumunta kami sa Medical City sa pedia ko kay Dr. Elizabeth Palmero. Hay pinagalitan tuloy ako sa ginawa ko. Kasi talagang para na akong si Pacquiao! Kaya binigyan ako ng antibiotics para lumiit na agad.
Kaya today magaling na. Buti nga holiday today. Kung hindi 3 days na akong absent. Tsk tsk tsk. Bad. Magulo nanaman sa Grade 2-Knowledge kasi absent ako at walang taga-saway.
Ganito pa lang siya nung morning sa clinic ni Doc.
Nung hapon mas malaki na! Ayayay!
Sunday, September 28, 2008
Churros Con Chocolate
Saturday, September 27, 2008
The Search for The Young Environmentalist
Saturday, September 20, 2008
Yellow Belt na!
Napansin niyo ba na new look na ang blog ko? Kasi parang magulo yung dati. Kaya eto bago na, inayos ni Mami. Look at the drawing in the header. Ako yan kunwari tapos yellow belt na ako sa Taekwondo. Nag promotion test nung August 31 sa Diliman Prep. Nag-practice kami ni Daddy pati ang mga terms sa handbook na-memorize ko. Kaya madali na lang ang test. Kasi alam ko na ang Foundations 1 and 2. Ha! Magaling na kaya ako sa sparring! By the way, that's my dojo behind me in the picture.
Sunday, September 07, 2008
Bakit Mahalaga Sumunod sa mga Panuto at Babala
Ito ang gawaing upuan namin sa Filipino nung September 1. Nagustuhan ni Teacher Me-ann ang sagot ko at nilagyan pa ng star at "Magaling!" Kaya ishi-share ko sa inyo at tignan niyo kung magaling ba talaga ang sagot ko:
- Mahalaga ito dahil sa pagsusulit, pag mali ang iyong ginawa, mali na lahat ang sagot mo doon sa parte na hindi mo sinunod na panuto.
- Mahalaga rin ito dahil pag sa daan, maraming kotse. Pag hindi mo sinunod nung "WALANG TAWIRAN, NAKAMAMATAY" na babala ng MMDA, pwede kang masagasaan. Pag nasagasaan ka, patay ka. Sino ang sisisihin? Yung nakabangga sa iyo?
- Bilang isang bata, mahilig tayong maglaro. Syempre, bago la makapaglaro, magpapaalam muna sa magulang. Paano pag sinabing bawal? Hindi ka sumunod. Umakyat ka pa rin ng puno. Nahulog ka. May bukol. Lagot ka na, may bukol ka pa!
- Bilang estudyante, tayo ay minsan makulit sa linya. Pag hindi talaga tumigil, pwede kang madisgrasya. Pwede ka pang mapunta sa opisina ng punong-guro pag meron kang nadamay.
- At kapag naman sa mahabang pagsusulit, pag merong maraming mali dahil di ka sumunod sa panuto, bagsak ka. Kapag bagsak ka, uulit ka ng baitang kung nasan ka ngayon.
Sabi ni Mami mag-lawyer na lang daw ako pag laki ko kasi magaling akong mag-rason. Ano sa tingin niyo?
Saturday, July 26, 2008
Balik Taekwondo
Wednesday, April 23, 2008
My Taekwondo Classes
After my two week swimming lessons at the Greenwoods clubhouse, Taekwondo classes naman!
My mommy asked me if I like to study Karate or Taekwondo. If I choose Karate, I will be studying at Gretchen Malalad's gym in Greenwoods. If I study Taekwondo, I will be enrolled at Footworx Sta. Lucia. Daddy wanted Taekwondo than Karate because he also studied Taekwondo before.
Every MWF 1:00-2:30 pm ang training ko for 4 weeks. White Belts class yan. I already know the Kata and 45 degree kick. Marami pang kicks. My asset is speed but I will develop the power of my kicks. Even my instructors noticed my speed. Sabi niya "Paglaki nito mas mabilis pa sa atin!" Hehehe! They also asked me to attend the promotions. It's like a test and if I pass I will be given the lower yellow belt.
Daddy already bought me a kickpad, armor, and net equipment bag. I will continue studying Taekwondo kahit start na ng school days. Every Saturday lang. Para wala nang mga BULLY!
HYA!