Wednesday, May 11, 2005

What I Did This Summer

Ito ang ilan sa mga pictures ko noong mag-vacation kami sa Bora last April 27-29, 2005.



Nakatalikod kami ni Renz. Nakasakay na kami sa barko papuntang Caticlan. Nakilala ko si Renz kasi nasa Philtranco din sila nakasakay ng family niya papuntang Bora. Pero Station 3 sila. Pero nung pumunta kaming Crystal Cove nagkita pa rin kami.



Gumagawa sana ako ng sandcastle dito sa Boracay kaya lang ang hirap. Buti na lang sa tapat ito ng Jonah's. Nag-breakfast kami dito. Order ko Continental Breakfast kasi gusto ko scrambled eggs. Tapos nag-share kami ni Mommy sa Papaya-Mango shake.



Kasama ko dito si Ate Megan at Ate Cyris. Nasa Dumaguit kami. Si Ate Cyris anak ni Tita Weng na kapatid ng Daddy ni Ate Meg kaya mag-pinsan din sila. Maganda ang tricycle sa Aklan kasi parang jeep ang likod. Natulog kami sa bahay nila Tito Ariel. Tawag niya sa akin Goyong. Pulis siya kaya hindi ako pwedeng malikot. Tapos Saturday sumakay na kami ng barko pauwi ng Manila.

Bow!

2 comments:

  1. uy rap ang ganda namin nila ate cyris mo! nakasiksik lang kasi yung unggoy sa likod namin eh! kaya ang pangit ng view...(joke lang po!)

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete