Saturday, May 21, 2005

Birthday Ko Part 2

Ngayon ang birthday party ko at papakita ko ang mga pictures ko. Doon ako nag-birthday sa bahay ng lolo at lola ko sa Pasig kaya wala ang mga friends ko.


Konti lang ang handa ko pero lahat naman favorite ko. Lahat ng handa ang Mommy ko ang nagluto. Nung pumunta kami sa Megamall pumunta kami ng Toy Kingdom at bumili ng balloons, banner, at party hats. Ako ang pumili ng Buzz Lightyear. Ako si Buzz Lightyear kasi. Kumpleto ako ng DVDs ng Toy Story. Wala akong bisita na bata kaya ang nagparty hats ay si Mommy, si Tito Lucky, ako, at si Ninang. Ang cap na Zurg ay kay Tito Lucky kasi enemy yon e. Kontrabida yon.



Dumating ang Daddy ko galing China ng 8pm at nag-start na kami. Kumanta sila ng Happy Birthday at nag-blow ako. Ang wish ko ay sana magka- Buzz Lightyear na toy ako.




Ito ang Ninang ko. Siya ang Grimwitch. Makulit yan kahit big sister sya ng Mommy ko.

Ang gift sa akin ng Daddy ko ay Spongebob Squarepants na Plug and Play. Ok lang kahit hindi Buzz kasi maganda din ang video game. Madami akong nakain sa handa ko kasi favorite ko ang fried chicken at crispy pata.

Friday, May 20, 2005

Birthday Ko Part 1

May 20 talaga ang birthday ko. Kaya lang bukas pa darating ang Daddy ko kaya magsisimba na lang kami ng Mommy ko.

Pumunta kami ng Robinsons Galleria kasi di pa ako nakakasimba sa Edsa Shrine. Malaki ang Mama Mary doon. Nag-church kami doon ng Mommy ko at Tito Lucky ko. Tapos nung lumabas kami may Mama Mary na maraming flowers. Kukuha ka ng isa tapos yung nakalagay sa flower gagawin mo. Sabi ni Pope Benedict the 16th yun. Ang nakuha ko ay magbibigay daw ako ng tulong sa mahihirap. Ginagawa ko na yon kasi sa bahay namin may bote ako na pinupuno ko ng 25 cents lagi. Bote ng Pepsi yon. Malapit na mapuno. Tapos bibigay namin sa church para sa Pondo ng Pinoy. Sabi ni Father pangtulong yon sa mahihirap.

Tapos nag-Dreamscape na ako. Gift ng Mommy ko ang All Day Pass. Kaya lahat ng rides sinakyan ko talaga at maraming beses pa. Nag-shooting pa ang Going Bulilit kaya nakita ko silang lahat don. Kaya lang nahiya ako magpa-picture kay Enchang e.

Eto ang mga pictures ko don.





Masaya talaga ako nung araw na yon. Hinintay namin si Lola umuwi galing sa office niya kasi malapit din sa Galleria ang ADB. Tapos nag-grocery kami ng panghanda sa dinner para sa birthday ko. Gabi pa kasi darating ang Daddy ko.

Monday, May 16, 2005

Isang Araw Sa Megamall

Nagpunta kami ng Mommy ko at ni Tito Lucky sa office ni Lola. Ang lola ko sa Asian Development Bank nagwo-work. Pero sa January hindi na siya magwo-work kasi magre-retire na siya. Doon kami nag-lunch sa cafeteria nila. Sila nag-Mongolian Grill. Ako Japanese food ang order ko. Kasi ayoko ng ng Mongolian. Tawagin na lang natin na Breaded Beef yung kinain ko kasi nalimutan ko na yung Japanese name e. Tapos may Miso Soup. Basta yon. Tapos ang ininom ko ay Fruitas na orange flavor.

Ang ADB malapit lang sa Megamall. Katabi lang yon. Promise kasi ng Mommy ko magta-Time Zone kami kaya pumunta kami. Si Tito Lucky niloloko ako na di daw ako marunong. Akala niya lang yon!


Medyo napagod ako doon sa fire truck. Marami na rin kasi akong nalaro. Marami akong nakuhang tickets sa games. Tapos pinapalit namin ng radio. Kaya may iPod na rin ako. Kunyari lang. Kamuka lang. Para hindi ko na hihiramin ang iPod ni Mommy.

Sunday, May 15, 2005

World of Butterflies

Pumunta kami ng Mommy ko sa World of Butterflies sa Marikina. Kanina umalis na ang Daddy ko papuntang China. Babalik siya sa birthday ko. Sinamahan kami ng baby brothers ni Mommy, sila Tito Toto, Tito Lloyd, at Tito Aki. Kasama namin sa Tita Christy ang asawa ni Tito Lloyd. Magkaka-baby na sila. Pero ang sabi ng Lolo ko ako pa rin ang hari ng Pasig. Ang baby ni Tito Lloyd hari ng sablay. Pero pag girl pwede queen ng Pasig pag wala lang ako.




Nandito kami sa labas ng World of Butterflies. Si Tito Lucky ang naka-red. Hawak ako ni Tita Christy. Si Tito Lloyd ang naka-blue at katabi si Tito Toto. Tinakapan ko ang baby nila Tito Lloyd.



Kami naman ng Mommy ko ang nagpa-picture. Sayang wala ang Daddy ko pero gusto niya ring pumunta. Dapat kung nandito siya sa Museong Pambata kami pupunta. Kaya lang wala kaming car kasi hindi pwede mag-drive si Mommy kaya Marikina na lang kasi nag-jeep lang kami galing sa Pasig.



Si Flutterby ito, mascot ng World of Butterflies. Pero hindi talaga siya gumagalaw. Nakatayo lang siya tapos may stand sa likod. Buti natakpan ko. Para kaming nag-uusap. Sabi ng Mommy ko BF=ButterFly=Bayani Fernando. Hahaha. Yun ang iniisip ko dito kung tama yon.


Maraming butterflies na naka-frame dito pero mas marami ang lumilipad sa garden. May fountain din doon. Tapos umiikot kami sa garden. Hindi pwede hawakan ang butterfly at mababali ang pakpak at mamamatay. Tapos nanood kami ng life cycle of a butterfly sa parang sinehan nila.

Tapos nag-merienda kami sa Concepcion bago umuwi uli sa Greenwoods. Buti na lang masarap din pala ang chicken ng Greenwich kasi nag-pizza silang lahat. Ako hindi kumakain non.

Wednesday, May 11, 2005

What I Did This Summer

Ito ang ilan sa mga pictures ko noong mag-vacation kami sa Bora last April 27-29, 2005.



Nakatalikod kami ni Renz. Nakasakay na kami sa barko papuntang Caticlan. Nakilala ko si Renz kasi nasa Philtranco din sila nakasakay ng family niya papuntang Bora. Pero Station 3 sila. Pero nung pumunta kaming Crystal Cove nagkita pa rin kami.



Gumagawa sana ako ng sandcastle dito sa Boracay kaya lang ang hirap. Buti na lang sa tapat ito ng Jonah's. Nag-breakfast kami dito. Order ko Continental Breakfast kasi gusto ko scrambled eggs. Tapos nag-share kami ni Mommy sa Papaya-Mango shake.



Kasama ko dito si Ate Megan at Ate Cyris. Nasa Dumaguit kami. Si Ate Cyris anak ni Tita Weng na kapatid ng Daddy ni Ate Meg kaya mag-pinsan din sila. Maganda ang tricycle sa Aklan kasi parang jeep ang likod. Natulog kami sa bahay nila Tito Ariel. Tawag niya sa akin Goyong. Pulis siya kaya hindi ako pwedeng malikot. Tapos Saturday sumakay na kami ng barko pauwi ng Manila.

Bow!