Tuesday, June 21, 2005

First Day Funk

First day ko kahapon na maging Kinder 2. Sa Laguna Bel Air School ako nag-aaral. Pang morning na ako kasi gusto ng mommy ko matutulog ako pag hapon e. Ang class ko na ngayon ay Kinder 2 - Hope.

Ang mommy ko ang naghatid sa akin kahapon kasi promise niya yun e. Kinausap din kasi sila ng teacher ko. Ang teacher ko pala ay si Ms. Gomez. Yon ang tatawag namin sa kanya. Kasi nung Kinder 1 ako Teacher Jenny ang tawag namin sa teacher ko. Gusto ng teacher ko ngayon Miss ang tawag sa kanya e.

Marami akong old classmate na galing sa Kinder 1 - Peace. Nag morning na rin sila. Si Aura, Angelica Emille, Joseph, at Ariel. Tapos classmate ko na ang crush ko na si Michelle. Naunahan ko na si Luis kasi Kinder 1 lang siya e.

Maganda ang desk ko color yellow. Tapos itataas mo ang cover para malagay ang things mo sa loob. Tapos ang bag ko stroller bag na. Kasi uuwi na namin everyday ang books at notebooks namin. May lunch box din ako. Kasi dati ang bag ko parang pang toddler lang kasi Winnie The Pooh. Pero ngayon ang bag ko na bigay ng lola ko walang design, green lang. Pang boy kasi. Nanggaling na ang bag ko sa China pero ang bag ng mga classmate ko Philippines lang.

Kaya ganyan ang title ng post ko kasi nung pinaliliguan ako ng Mommy ko kahapon kumakanta ako ng let's do the funk, let's do the first day funk. Hahahaha.

Monday, June 06, 2005

Pwede... eto, kaya Mo? PEK Mo!

Kahapon birthday ng mommy ko. Kaya sabi ko sa kanya sana mag-Festival kami kasi ang tagal ko na hindi nakakalaro sa Pixie Forest. Tawag ko dun sa Funland ay PEK mo kasi parang challenge eh. May mga slide, tapos magja-jump ka sa talunan, tapos may bridge na hanging, tapos sasabit pa sa rope. Maganda doon. Nagpakabait ako para pumunta doon. Nag-opo ako lagi at nagsuot ng slippers sa loob ng bahay lagi.




Eto ang talunan na sinasabi ko. Pag nag-jump ka diyan mataas talaga. Pero nadapa ako ng one time kaya masakit medyo ang tuhod ko after nun.



Dito ang slide. Mataas yan. Dati nung 4 pa lang ako takot ako diyan pero 5 na ako kaya matapang na. Paikot yon kaya iikot ka pababa. Pero masaya naman. Si Daddy ang kasama ko sa PEK mo kasi nasa grocery si Mommy sa Save More. Kaya umakyat din ang Daddy ko sa slide na yan.

Dito ang paakyat papunta sa hanging bridge. Mahirap diyan pag hindi ka pa 5 years old kasi mataas na yan. Dati hindi ko kaya yung sasabit sa rope para maka-cross ka ng bridge pero madali na ngayon.

Dito naman ang swimming pool na puro balls. Masarap magtago sa ilalim ng mga balls at malambot pa. Kasama ko si Daddy Jun sa loob. Pwede ang adult na kasama basta may socks sila.

Kami ng daddy ko to. Hindi pa kami pagod. Parang nakahiga lang kasi nakataas yung cellphone niya dito.


Kunwari kaaway ko ang mga pillow na ito. Sinuntok ko sila. Kunyari boxer ako. Hahahaha.