Saturday, October 04, 2008
Wow,Galing!
Nung taekwondo class ko noong last, last Saturday, nalaman namin na ang instructor ng instructor ko ang may ari ng KIX!Ang tawag raw sa mga kickshield dati ay "tokwa"kasi raw beige ang kulay. Lahat raw ng taekwondo equipment galing Korea, kaya gumawa sila ng sariling equipment.
Thursday, October 02, 2008
First Honor Na Naman!
Kanina,ininform na sa amin ni teacher kung sino ang Top Ten sa class namin.Ang results?Tulad ng last year,ako pa rin ang 1st Honor!At,this 1st trimester,ako raw ang may pinakamataas na average grade sa buong Grade 2! Woohoo! Prize ni Mommy at Daddy? "secret" na lang yun.
Wednesday, October 01, 2008
Nakakatakot na Eye Infection
Nakakatakot ang mabulag. Ayoko nga mabulag eh. Mahina na nga hearing ko bulag pa. Malas naman. Ganito kasi ang nangyari.
Nung Saturday may tumubo na kuliti sa mata ko. Ewan ko kung nakagat ng insect di naman makati. Nag-taekwondo pa nga ako eh. Eh kaso nung Sunday kasi gusto ko siya paliitin pinisil ko siya. Nagalit nga si Mami eh. Mamamaga daw. Ayun na nga nung Monday na maga na. Hindi ako pumasok sa school sabi rin kasi ni Mang Rudy (ang driver ng service namin) mata daw kaya dapat ipa-doktor agad. Buti walang pasok si Di.
Pumunta kami sa Medical City sa pedia ko kay Dr. Elizabeth Palmero. Hay pinagalitan tuloy ako sa ginawa ko. Kasi talagang para na akong si Pacquiao! Kaya binigyan ako ng antibiotics para lumiit na agad.
Kaya today magaling na. Buti nga holiday today. Kung hindi 3 days na akong absent. Tsk tsk tsk. Bad. Magulo nanaman sa Grade 2-Knowledge kasi absent ako at walang taga-saway.
Ganito pa lang siya nung morning sa clinic ni Doc.
Nung hapon mas malaki na! Ayayay!

Subscribe to:
Posts (Atom)