Pumunta kami ng Mommy ko sa World of Butterflies sa Marikina. Kanina umalis na ang Daddy ko papuntang China. Babalik siya sa birthday ko. Sinamahan kami ng baby brothers ni Mommy, sila Tito Toto, Tito Lloyd, at Tito Aki. Kasama namin sa Tita Christy ang asawa ni Tito Lloyd. Magkaka-baby na sila. Pero ang sabi ng Lolo ko ako pa rin ang hari ng Pasig. Ang baby ni Tito Lloyd hari ng sablay. Pero pag girl pwede queen ng Pasig pag wala lang ako.
Nandito kami sa labas ng World of Butterflies. Si Tito Lucky ang naka-red. Hawak ako ni Tita Christy. Si Tito Lloyd ang naka-blue at katabi si Tito Toto. Tinakapan ko ang baby nila Tito Lloyd.
Kami naman ng Mommy ko ang nagpa-picture. Sayang wala ang Daddy ko pero gusto niya ring pumunta. Dapat kung nandito siya sa Museong Pambata kami pupunta. Kaya lang wala kaming car kasi hindi pwede mag-drive si Mommy kaya Marikina na lang kasi nag-jeep lang kami galing sa Pasig.
Si Flutterby ito, mascot ng World of Butterflies. Pero hindi talaga siya gumagalaw. Nakatayo lang siya tapos may stand sa likod. Buti natakpan ko. Para kaming nag-uusap. Sabi ng Mommy ko BF=ButterFly=Bayani Fernando. Hahaha. Yun ang iniisip ko dito kung tama yon.
Maraming butterflies na naka-frame dito pero mas marami ang lumilipad sa garden. May fountain din doon. Tapos umiikot kami sa garden. Hindi pwede hawakan ang butterfly at mababali ang pakpak at mamamatay. Tapos nanood kami ng life cycle of a butterfly sa parang sinehan nila.
Tapos nag-merienda kami sa Concepcion bago umuwi uli sa Greenwoods. Buti na lang masarap din pala ang chicken ng Greenwich kasi nag-pizza silang lahat. Ako hindi kumakain non.
No comments:
Post a Comment