Ito ang gawaing upuan namin sa Filipino nung September 1. Nagustuhan ni Teacher Me-ann ang sagot ko at nilagyan pa ng star at "Magaling!" Kaya ishi-share ko sa inyo at tignan niyo kung magaling ba talaga ang sagot ko:
- Mahalaga ito dahil sa pagsusulit, pag mali ang iyong ginawa, mali na lahat ang sagot mo doon sa parte na hindi mo sinunod na panuto.
- Mahalaga rin ito dahil pag sa daan, maraming kotse. Pag hindi mo sinunod nung "WALANG TAWIRAN, NAKAMAMATAY" na babala ng MMDA, pwede kang masagasaan. Pag nasagasaan ka, patay ka. Sino ang sisisihin? Yung nakabangga sa iyo?
- Bilang isang bata, mahilig tayong maglaro. Syempre, bago la makapaglaro, magpapaalam muna sa magulang. Paano pag sinabing bawal? Hindi ka sumunod. Umakyat ka pa rin ng puno. Nahulog ka. May bukol. Lagot ka na, may bukol ka pa!
- Bilang estudyante, tayo ay minsan makulit sa linya. Pag hindi talaga tumigil, pwede kang madisgrasya. Pwede ka pang mapunta sa opisina ng punong-guro pag meron kang nadamay.
- At kapag naman sa mahabang pagsusulit, pag merong maraming mali dahil di ka sumunod sa panuto, bagsak ka. Kapag bagsak ka, uulit ka ng baitang kung nasan ka ngayon.
Sabi ni Mami mag-lawyer na lang daw ako pag laki ko kasi magaling akong mag-rason. Ano sa tingin niyo?
No comments:
Post a Comment