Sunday, September 28, 2008
Churros Con Chocolate
Every Saturday ngayong month si Mami lang ang naghahatid sa akin sa Taekwondo class ko. Naka-duty kasi ang Dadi ko pag weekend. Pero sinusundo naman niya kami pag gabi na. Laging doon ako nagdi-dinner para hindi kami ma-late. Kahapon ang dinner ko na ay pata tim sa food court para hindi naman puro wingdings sa Wendy's. Masarap at mura pa kasi 69 pesos lang. Dahil mura ang sabi ni Mami pwede mag-dessert. Ang napili ko ay ang churros ng Dulcinea. 69 pesos din siya. Mahal pero sabi ni Mami ok lang kasi prize niya rin kasi gold medal ang nakuha ko sa Computer Wizard quiz bee noong Tuesday at Rank 2 ako sa Young Environmentalist nga. Masarap ang churros kasi parang waffle na parang pretzel siya. Tapos may chocolate dip pa na yung traditional talaga. First time ko makakain ng churros ng Dulcinea pero si Mami dati pa raw nung bata pa siya. Hindi siya pwede kumain kasi diabetic siya kaya kumuha na lang siya ng picture! Hahaha!
Saturday, September 27, 2008
The Search for The Young Environmentalist
I am the Grade 2-Knowledge representative to our school's Search for Young Environmentalist 2008. In the pictures you will see that I am wearing a military costume. That is because is my speech last Sept. 22, I spoke about being Mother Earth's environmental police. The screen behind me is the powepoint presentation that mommy and I prepared. As of this moment, I am Rank # 2 out of the 6 Grade 2 contestants. The winner will be announced in February next year after the counting of all tetrapak carton votes. 50% of the score will come from the empty tetra pak cartons that we collect in school. May tetrapak ka ba? Akin na lang!
Saturday, September 20, 2008
Yellow Belt na!
Napansin niyo ba na new look na ang blog ko? Kasi parang magulo yung dati. Kaya eto bago na, inayos ni Mami. Look at the drawing in the header. Ako yan kunwari tapos yellow belt na ako sa Taekwondo. Nag promotion test nung August 31 sa Diliman Prep. Nag-practice kami ni Daddy pati ang mga terms sa handbook na-memorize ko. Kaya madali na lang ang test. Kasi alam ko na ang Foundations 1 and 2. Ha! Magaling na kaya ako sa sparring! By the way, that's my dojo behind me in the picture.
Sunday, September 07, 2008
Bakit Mahalaga Sumunod sa mga Panuto at Babala
Ito ang gawaing upuan namin sa Filipino nung September 1. Nagustuhan ni Teacher Me-ann ang sagot ko at nilagyan pa ng star at "Magaling!" Kaya ishi-share ko sa inyo at tignan niyo kung magaling ba talaga ang sagot ko:
- Mahalaga ito dahil sa pagsusulit, pag mali ang iyong ginawa, mali na lahat ang sagot mo doon sa parte na hindi mo sinunod na panuto.
- Mahalaga rin ito dahil pag sa daan, maraming kotse. Pag hindi mo sinunod nung "WALANG TAWIRAN, NAKAMAMATAY" na babala ng MMDA, pwede kang masagasaan. Pag nasagasaan ka, patay ka. Sino ang sisisihin? Yung nakabangga sa iyo?
- Bilang isang bata, mahilig tayong maglaro. Syempre, bago la makapaglaro, magpapaalam muna sa magulang. Paano pag sinabing bawal? Hindi ka sumunod. Umakyat ka pa rin ng puno. Nahulog ka. May bukol. Lagot ka na, may bukol ka pa!
- Bilang estudyante, tayo ay minsan makulit sa linya. Pag hindi talaga tumigil, pwede kang madisgrasya. Pwede ka pang mapunta sa opisina ng punong-guro pag meron kang nadamay.
- At kapag naman sa mahabang pagsusulit, pag merong maraming mali dahil di ka sumunod sa panuto, bagsak ka. Kapag bagsak ka, uulit ka ng baitang kung nasan ka ngayon.
Sabi ni Mami mag-lawyer na lang daw ako pag laki ko kasi magaling akong mag-rason. Ano sa tingin niyo?
Subscribe to:
Posts (Atom)